Tumblr Mouse Cursors
Nocturnal's Page.

Learn to love without condition. Talk without bad intention. Give without any reason. And most of all, care for people without expectation.

Pa-scroll scroll na naman ang peg ko :3

Masyadong umaasa ang mga babae sa love stories at fairytales.

escafeism:

Nagtataka ang mga lalaki kung bakit kaming mga babae ay naiiyak at todo kung kiligin sa tuwing nanunuod kami ng mga palabas na tungkol sa love. Kaming mga babae kasi, sa pagtapos ng bawat pagtapos ng isang love story ay humihiling at nageexpect kami na sana may lalaki ring gagawa samin ng ganun, na sana may lalake pang handang gawin ang kahit na ano para samin. Ang payungan kami habang umuulan, pahiramin ng jacket kapag malamig, yung bigla na lang susulpot sa tuwing nag-iisang naglalakad. Yung dadalhan na lang ng pagkain sa kinaroroonan ng walang pasabi. Yung lalakeng lagi kang susurpresahin. Yung lalakeng hindi magsasawang pagsilbihan kami dahil ang turing nila samin ay prinsesa. Naiinggit kasi kami. Malakas ang imahenasyon naming mga babae kaya minsan, ang taas ng expectations namin sa mga lalake. Siguro nga, sa palabas lang talaga yun nangyayari. PERO para sa mga ibang babae dyan, may lalakeng darating din para satin na ipaparamdam yung mga ganung bagay, o di kaya mas bongga pa dun. Tiwala lang.

escafeism:
“ Ang love, parang roller coaster ride lang yan. May daang pataas, may pababa,may daang medyo steady lang, meron ding paikot-ikot. Unpredictable kasi yung mga sitwasyon pagdating sa pagmamahal, hindi palaging masaya, hindi rin naman...

escafeism:

Ang love, parang roller coaster ride lang yan. May daang pataas, may pababa,may daang medyo steady lang, meron ding paikot-ikot. Unpredictable kasi yung mga sitwasyon pagdating sa pagmamahal, hindi palaging masaya, hindi rin naman palaging malungkot. Siguro yung mga daang pababa at paikot-ikot pa nga yung nagbibigay kulay sa isang relasyon kasi hindi mo naman maaapreciate ang isang bagay kung hindi ka dumaan sa hirap. Pero ano nga ba yung mga tinutukoy ko? 

  • Daang pataas - Ito yung finally nagkaayos na kayo. Finally natapos na din yung mga problema niyo. At ngayong wala na kayong ibang aalalahanin, mabibigyan niyo na ulit yung time ang isat-isa. Dito kayo babawi sa mga pagkukulang niyo bilang isang girlfriend/boyfriend. Para bang panibagong simula nanaman ito sa pagiging buhay taken niyo. Pero this time, mas mature version na ng isat-isa ang kaharap niyo. Yung love, mas puro na, mas seryoso, mas sweet, at mas totoo. Dito niyo mararamdaman na worth it lahat ng pinagdaanan niyo. 
  • Daang pababa - Ito yung mga panahon na sobrang down na down na kayong dalawa. Yun bang yung tanging nakikita niyong option eh maghiwalay nalang para matapos na lahat ng paghihirap niyo? Ito din minsan yung siya na mismo yung kalaban niyo. Nakakainis diba? Yung taong mahal mo pa yung nagbibigay ng sama ng loob sayo, imbes na magkakampi kayo siya parang wala lang. Parang naiisip mo na din na tama ba na sinagot mo siya? Jan na din papasok yung time na kukwistionin mo yung pagmamahal niya sayo. Kung totoo pa ba na mahal ka niya. Yung pagmamahalan na minsan naging kasiyahan mo, nagiging bangungot na siya.
  • Daang steady lang - Ito yung masaya kayo ng girlfriend or boyfriend niyo. Wala kayong ibang iniisip kundi kayo lang, kung gaano kayo kasaya sa piling ng isat-isa. Na kahit binagyo man kayo ng problema, nanatili padin kayong matatag. Pinaglaban niyo yung pagmamahalan niyo. Hanggang sa yung problema na mismo yung sumuko sa inyo.
  • Daang paikot-ikot - Lahat ng fairy tales may witch, lahat ng movie may kontrabida, syempre sa love ganun din. Hindi lahat aayon sa inyo. May iilan-ilan talaga na gugulo sa inyo. Susubukin nila kung gaano katatag yung relasyon niyo. Para narin sigurong babaliktad yung mundo niyo sa sobrang grade ng epekto ng pangingialam ng iba. Minsan nga nag-aaway na din kayo dahil sa ibang tao kahit hindi naman dapat. Magkakampi kayo eh. Pero kasi pag inatake na ng selos at pagdududa, kikitid na din talaga yung pang-unawa niyo. Tapos yung pride pa yung mangunguna. Magkakasakitan, magkakasumbatan. 

Ganun kasi talaga sa pag-ibig. Parang mundo lang din, iikot at iikot ito, madaming pagdaraanang problema, madami din kayong makikilalang mga bagong tao na pwedeng sumira sa relasyon niyo. Pero okay na din suguro yung hindi lang puro good times yung nararanansan niyo, kasi yung mga bad times naman yung mga nagpapatibay sa isang relasyon. Nasa sa inyo nalang yan kung kakayanin niyo bang tapusin ang ride hanggang sa finish line na tinatawag nilang forever.

Ayoko ng may dumating pang iba. Gusto ko ikaw lang kahit paulit ulit na ikaw lang.

Everyone only wants to be loved.

Before you can grow up, you must fall in love 3 times. Once you must fall in love with your best friend, ruining your friendship forever. This will teach you who your true friends are, and the fine line between friendship and more. Once you must fall in love with someone you believe to be perfect. You will learn that no one is perfect, and that you should never be treated as any less that you deserve. And once you must fall in love with someone that is exactly like you. This will teach you about who you are, and who you want to be. And when you’re with all that, you can learn that the people who care about you the most are the ones that hurt you and the ones that hurt you are the ones you needed the most. But most of all, you learn that love is only a concept and is not something that can be defines, it is different to each person that experiences it. And you will learn to respect each and every person on this earth, knowing that everyone only wants to be loved.

May mga tao sanang masarap mahalin kaso hindi ka naman pinapansin.